^

Metro

Lola nanlaban sa holdaper tinarakan sa leeg, kritikal

-
Nasa malubhang kalagayan ang isang lola matapos na manlaban at saksakin sa leeg ng isang holdaper, kahapon ng madaling araw sa Navotas.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak ng ice pick sa leeg ang biktimang si Florencia Dizon, 57, ng 177 Pitong Gatang St., Brgy. Sipac ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Baradero St., Navotas East.

Nabatid na sakay ng isang pedicab ang biktima at habang tinatahak ang nasabing lugar ay biglang sumakay ang hindi nakikilalang holdaper at agad na tinutukan ng ice pick sa leeg ang lola.

Kinuha ng suspect ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000 ngunit bigla na lamang nanlaban si Dizon dahilan upang tarakan ito ng ice pick sa leeg ng suspect.

Mabilis na tumakas ang suspect bitbit ang pera ng lolang biktima, habang agad namang isinugod ng pedicab driver sa pagamutan ang biktima.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BARADERO ST.

BRGY

DIZON

FLORENCIA DIZON

GINAGAMOT

ISANG

NAVOTAS EAST

PITONG GATANG ST.

ROSE TAMAYO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with