^

Metro

Pagbitay sa 12 convicts pinigil ni GMA

-
Binigyan ng "awa" ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang 12 death convicts na nakahanay upang mabitay sa pamamagitan ng lethal injection.

Ito ay makaraang atasan ni Pangulong Arroyo ang Department of Justice (DoJ) at Bureau of Corrections (BUCOR) na ipahinto sa loob ng 90-araw ang pagbitay sa 12-death convicts na ang karamihan ay guilty sa kasong rape.

Ang mga akusadong sina Ireneo Padilla, Renato Dizon at Tomas Marcella ang mga unang akusadong bibitayin sa darating na Oktubre 2, subalit dahil sa ibinigay na reprieve ni Pangulong Arroyo ay bibitayin na lamang ang mga ito sa Enero 2, 2006.

Habang sina William Alpe, Fernando Villanueva Jr. at Panfilo Quimson ay isasalang sa darating na January 9, 2006. Sina Pablo Santos, Dindo Pajotal at Jimmy Jacob ay itinakda naman ang pagbitay sa Enero 16, 2006. Bibitayin naman sa darating na Enero 24 sina Rodel Aquino at Geronimo Borromeo.

Simula nang maupo si Pangulong Arroyo bilang punong ehekutibo ay wala pang death convict ang naisasalang sa lethal injection matapos na makipagkasundo sa Simbahang Katoliko. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DINDO PAJOTAL

ENERO

FERNANDO VILLANUEVA JR.

GERONIMO BORROMEO

GRACE AMARGO

IRENEO PADILLA

JIMMY JACOB

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with