^

Metro

Sekyu nag amok: 2 patay

-
Nasawi ang dalawang lalaki, habang kritikal ang isa pa matapos na barilin ng isang sekyu na nagwala nang iwanan ng asawa dahil lamang sa tsismis, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktimang sina Alberto Garcia at isang nakilala lamang sa pangalang Martin, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center ang isa pang biktima na si Alberto Ladyao, 34, pawang mga residente ng Kaunlaran Village ng nasabing bayan.

Agad namang nadakip ang nag-amok na sekyu na si Timoteo Hachero, 32, security guard ng Navotas Flood Control Project at naninirahan sa Bagbaguin, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng Ayungin St., Kapitbahayan, Kaunlaran Village, Navotas.

Nabatid na nag-iinuman ang mga biktima sa nasabing lugar nang dumating ang suspect at hinahanap ang isang nagngangalang Buboy na umano’y nagkakalat ng tsismis sa kanyang (suspect) misis na may ibang babae siyang binabahay. Dahil sa tsismis ay iniwan umano ng kanyang misis ang suspect.

Nang hindi makita ng suspect ang hinahanap ay ang tatlong biktima ang pinagbalingan ng galit. Agad na nagbunot ang sekyu ng kanyang baril at saka pinaulanan ng bala ang tatlong nag-iinuman.

Agad din namang naaresto ang suspect ng mga nagrespondeng barangay tanod. (Rose Tamayo)

ALBERTO GARCIA

ALBERTO LADYAO

AYUNGIN ST.

KAUNLARAN VILLAGE

NAVOTAS

NAVOTAS FLOOD CONTROL PROJECT

ROSE TAMAYO

TIMOTEO HACHERO

TONDO MEDICAL CENTER

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with