Bus holdup: Pulis todas
September 29, 2005 | 12:00am
Isang pulis ang iniulat na nasawi makaraang manlaban sa pitong armadong kalalakihan na nangholdap sa sinasakyan niyang pampasaherong bus, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawing pulis na si PO2 Joel Magbanua, 34, nakalataga sa Police Security and Protection Office sa US Embassy at residente ng Morning Tones St., Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng isang pampasaherong bus ng Baliwag Transit na may plakang CVC-785 na patungong Cubao, Quezon City.
Nabatid na sumakay sa Baliwag, Bulacan ang mga suspect at habang tinatahak ng bus ang North Luzon Expressway sa may Burol, Guiguinto, Bulacan ay nagdeklara ng holdap ang mga ito.
Isa-isang nilimas ng mga suspect ang pera at mahahalagang kagamitan ng mga pasahero.
Nang lapitan ng isa sa mga suspect si Magbanua ay agad itong pinaputukan ng baril ng pulis at tinamaan sa sikmura dahilan naman upang gumanti ng putok ng baril ang iba pang suspect sa pulis. Bukod dito, pinagsasaksak din ang pulis na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Pagsapit ng bus sa may Valenzuela ay agad na inutusan ng mga suspect ang driver ng bus na si Jeffer Yandoc na ihinto ang bus kung saan mabilis ng nagsipulasan ang mga ito dala ang sugatang kasamahan.
Agad namang nag-report sa Valenzuela Police ang mga biktima, gayunman hindi na naisalba pa ang buhay ni Magbanua.
Kasalukuyan namang sinusuyod ng mga awtoridad ang mga pagamutan at nagbabakasakaling maaresto ang nasugatang suspect. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended