^

Metro

2 NPA rebels timbog

-
Dalawang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang inaresto ng pulisya matapos makumpiskahan ng mga baril at granada na hinihinalang gagamitin nila sa paghahasik ng karahasan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Prinisinta kahapon ni Southern Police District director Chief Supt. Wilfredo Garcia ang mga suspect na sina Richard Bisaya Cumpas, 27 at Joseph Bergantes Cumpas, 30, kapwa taga-Binalabac, Naga City, Camarines Sur.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:50 ng gabi sa panulukan ng Aguarra St. at G.G. Cruz Sts., Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Nakatanggap ng impormasyon ang Patrol 117 na isang grupo ng holdap gang ang pagalagala sa naturang lugar, dahilan upang kaagad na rumesponde ang mga awtoridad.

Namataan ng mga pulis ang dalawang suspect na may kahina-hinalang kilos kaya agad na dinakip ang mga ito kung saan nasamsam sa kanila ang dalawang 357 cal. revolver, mga bala at granada.

Malaki ang hinala ng pulisya na mga miyembro ng rebeldeng NPA ang mga nadakip na naatasang magsagawa ng mga karahasan sa Metro Manila.

Mariin namang itinanggi ng mga suspect ang akusasyon sa kanila at ayon sa mga ito ay simple lamang silang vendor. Patuloy na isinasailalim sa tactical interrogation ang mga nadakip. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGUARRA ST.

CAMARINES SUR

CHIEF SUPT

CRUZ STS

JOSEPH BERGANTES CUMPAS

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

NAGA CITY

NEW PEOPLES ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with