^

Metro

8-anyos ikinulong ng kasera

-
Sinaktan at ikinulong sa loob ng may 23-araw ng kanilang kasera ang isang walong taong gulang na batang lalaki matapos na hindi makabayad sa upa sa bahay ang magulang nito sa Quezon City.

Dahil dito, naging emosyunal ang pagtatagpo ng batang itinago sa pangalang Harold at mga magulang nito nang makatakas sa lupit ng kanilang kasera na kinilalang si Alfred Aries, 54, ng Hereford St., Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Baler Station 2, nakatakas ang biktima sa kalupitan ng suspect noong nakaraang Linggo ng gabi. Dumaan pa umano ito sa bubong ng bahay para lamang makabalik sa kanyang mga magulang na mahigit tatlong linggo nang naghahanap sa kanya.

Nabatid na noong Setyembre 2, dakong alas-9 ng gabi nang hindi na makauwi sa kanilang bahay ang paslit. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nito, ikinulong ng suspect ang biktima sa isang garahe sa harap ng Bago Bantay Elementary School sa Ilocos Norte St. Brgy. Ramon Magsaysay.

Hindi umano ito pinakain bukod pa sa madalas na gulpi na inaabot nito sa suspect. Binanggit pa ng bata na sinasabi sa kanya ng suspect na kailangang makabayad ang kanyang mga magulang sa upa nila sa bahay at hangga’t hindi ito nangyayari ay ipipiit siya sa nasabing garahe.

Pilay ang kanang paa ng bata tanda na pinalo ito ng matigas na bagay.

Nagkaroon lamang ng pagkakataong makatakas ang bata nang makakawala sa pagkakatali sa kanya at sinamantalang wala ang suspect sa bahay at sa bubungan ito dumaan.

Agad namang nadakip ang suspect na nahaharap sa kasong abduction, serious illegal detention in relation with RA 7610 o mas kilala sa tawag na Child Abuse Law. (Angie dela Cruz)

ALFRED ARIES

ANGIE

BAGO BANTAY ELEMENTARY SCHOOL

BAHAY TORO

CHILD ABUSE LAW

HEREFORD ST.

ILOCOS NORTE ST. BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT BALER STATION

RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with