Holdaper huli sa QC

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Kamuning Police Station ang pinaniniwalaang kilabot na holdaper na gumagala sa Judge Jimenez St. at E. Rodriguez kamakailan.

Ayon kay Supt. Mario Soriano, hepe ng pulisya, ang suspect na si Regidor Choko, 29, ng Panday Pira Yango, Tondo, Maynila ay positibong kinilala ng biktimang si Hubert Dagami, 23.

Batay sa ulat ni PO2 Merlito Tubog, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw nooong Set. 20.

Naghihintay ng masasakyan ang biktima nang bigla itong tutukan ng suspect ng sumpak at kunin ang cellphone nito.

Mabilis namang nadakip ng mga nagrorondang pulis ang suspect. (Doris Franche)

Show comments