Nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa, timbog
September 26, 2005 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dalaga na inireklamo ng nabiktima nito sa kasong panloloko na pagbebenta ng lupa na peke ang mga dokumento matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City.
Si Maria Lourdes "Marilou" Galenzoga, ng no. 6-H Columbian International Tower sa No. 500 Santol St., Sta. Mesa, Manila ay nadakip sa loob ng bakeshop sa Timog Avenue, Quezon City matapos ang entrapment operation bunsod na rin ng reklamo ng negosyanteng si Roberto Magallanes, ng Timog Avenue, Quezon City na umanoy niloko at na-estafa ng naturang suspect na umabot sa P11 milyong piso.
Kabilang din sa inirereklamo ng biktima ay ang mga kaanak ng suspect na sina Marlina at Milagros V. Galenzoga.
Tanging si Maria Lourdes lamang ang nadakip ng NBI sa pamamagitan ng marked money na halagang P5,000 na ginamit kaugnay sa diumanoy patuloy na panloloko nito sa biktimang si Magallanes.
Sa kabila nito, mabilis namang nakapag-piyansa ang suspect na nahaharap pa din sa kaso. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended