Ayon kay TMG-NCR Deputy Director C/Insp. Ferdinand Villanueva, magandang preventive measure ang ginagawang pag-iisyu ng ticket ng mga mall owners dahil mamo-monitor ng mga ito ang mga pumapasok at lumalabas na sasakyan sa mall.
Awtomatiko rin umanong malalaman ng mga guwardiya sa parking area ng mga mall kung sino ang may dala ng sasakyang ipinasok at inilalabas.
Sa sistemang ito, awtomatikong subject for questioning ang mga may dalang sasakyan palabas ng mall na mabibigong makapag-surrender ng ticket na inisyu sa kanila pagpasok sa establisimyento.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga car owner na dalhin ang ticket na inisyu sa kanila papasok sa alinmang shopping mall at huwag na huwag iiwan sa kanilang sasakyan habang nakaparada ito.
Sa pamamagitan umano nito ay hindi magkakaroon ng pagkakataon ang sinumang carnapper na matangay ang kanilang sasakyan palabas ng shopping mall. (Angie dela Cruz)