^

Metro

4 holdaper timbog sa QC

-
Malubhang nasugatan ang dalawa sa apat na umano’y karnaper at holdaper makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng awtoridad, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Matapos ang ilang minutong habulan at pagpapalitan ng putok ng baril ay nakorner din ng mga tauhan ng Quezon City Police Department-Galas Station ang mga suspect na sina Jaime Longanay, 25 at Joel Melgar at kapwa sugatan at ginagamot sa Delos Santos Hospital.

Arestado rin ang mga kasamahan nito na sina Mico Jhon Tiama, 29, at Mark Avila, 19, kapwa residente ng Fort Bonifacio, Makati City.

Sa inisyal na ulat, dakong ala-1 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at New York St. nang pasukin ng mga suspect na noon ay lulan sa owner type jeep ang "one way street" dahilan upang sitahin ito ng mga awtoridad.

Subalit sa halip na tumigil ay nagpahabol pa sa mga pulis ang mga suspect at nakipagpalitan ng putok ng baril.

Matapos ang ilang minutong barilan ay nasakote ang apat kung saan sugatan ang dalawa sa mga ito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na sangkot ang apat sa serye ng panghoholdap at carnapping sa lungsod at posible ring magsasagawa ng operasyon ang mga ito noong masita ng mga pulis kaya nanlaban. (Doris Franche)

DELOS SANTOS HOSPITAL

DORIS FRANCHE

FORT BONIFACIO

JAIME LONGANAY

JOEL MELGAR

MAKATI CITY

MARK AVILA

MATAPOS

MICO JHON TIAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with