Hinayjack na imported rice nabawi
September 23, 2005 | 12:00am
Nabawi ng mga awtoridad ang isang truck na puno ng mga imported na bigas na hinayjack ng apat na armadong kalalakihan kahapon ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.
Ayon kay QC Police District director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang pang-aagaw ng mga suspect sa truck ng bigas ng National Food Authority galing Vietnam.
Paalis na sa Sauyo Road ang driver ng truck na si Eliseo Barrera, 25, kasama ang pahinante nitong si Jar-Ar Bohol, 19, nang biglang sumakay ang apat na suspect at tinutukan si Barrera at saka inagaw sa kanya ang manibela ng truck.
Tatlo sa mga suspect ang nagsimulang ibaba ang mga bigas sa truck.
Tiyempo naman na naispatan ang mga ito ng mga nagrorondang tanod na humingi ng tulong sa pulisya. Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect nang makitang paparating na ang mga pulis. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended