Lola tusta sa sunog
September 23, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang 85-anyos na lola nang hindi na ito makalabas sa kanyang bahay na tinupok ng apoy dahil lamang sa sinding kandila sa kanilang altar, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.
Tustang-tusta ang biktima na nakilala na si Lola Nelia Ferrer, balo, ng 1952 P. Margal corner Craig St., Sampaloc, Maynila.
Nagtamo naman ng 2nd degree burn sa katawan ang anak nitong si John Ferrer, 45, engineer na nasa ligtas na namang kalagayan.
Sa ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-5:03 ng umaga nang mag-umpisang kumalat ang apoy sa bahay ng mga Ferrer. Mabilis na kumalat ang apoy kung saan tinangka pa ng anak na iligtas ang kanyang ina na nakulong sa loob ng nakakandadong kuwarto nito, subalit hindi na nito kinaya pa.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na naapula dakong alas-5:45 ng umaga.
Sa paunang imbestigasyon, posibleng ang kandila na hinahayaan ng matandang Ferrer na nakasindi sa kanilang altar malapit sa kuwarto nito ang naging sanhi ng sunog. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended