^

Metro

Full alert sa MM dineklara

-
Isinailalim kahapon ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao sa ‘full alert’ ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila habang ‘heightened alert’ naman sa iba pang bahagi ng bansa kaugnay ng inaasahang malawakang rally sa ika-33 taong paggunita sa Batas Militar ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil, ito’y bilang paghahanda sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos-protesta na bantang ibulaga ng mga militanteng grupo at ng mga kalaban ng gobyerno laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Batoil na dakong alas-6 ng gabi (Martes) ay iniutos na ni Lomibao na ipatupad ang ‘heightened alert’ sa iba pang bahagi ng bansa kasunod naman ng pagdedeklara ng ‘full alert’ kahapon ng tanghali sa Metro Manila.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Vidal Querol, ang pagsasailalim niya sa buong puwersa ng kanyang mga tauhan sa ‘full alert’ ay bunsod ng intelligence report na 30,000 raliyista ang magtitipun-tipon sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan. (Joy Cantos)

AYON

BATAS MILITAR

CHIEF DIR

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SPOKESMAN CHIEF SUPT

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with