Kung papayagan ito ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sasakay pa lang bawat pasahero ng taxi ay may babayaran na kaagad itong P45.00 at bukod pa sa madadagdag na singil sa pasahe nito depende sa layo ng destinasyon ng pasahero.
Sa kasalukuyan ay P30.00 ang flag down rate sa taxi at dagdag na P15.00 ang giit nilang dagdag singil sa pasahe.
Gayunman, sinabi ni ATOMM President Leonora Naval na kung papayag naman ang LTFRB na idagdag na lamang ang P15.00 sa kabuuang singil sa pasahe, iuurong na nila ang kanilang petisyon para dito.
Kapag hindi idinaan sa calibration ang P15.00 hinihinging dagdag sa flag down rate, makakatipid ang mga taxi operators ng mula P750.00 hanggang P1,000 sa fare calibration adjustment fee at hindi na mapapagod ang mga drivers para makapagpa-calibrate sa bagong singil.
Kaugnay nito, patuloy na ang isinasagawang public hearing ng LTFRB ukol dito.
Bukod sa ATOMM, ang isa pang grupo ng taxi association, ang Phil. National Taxi Operators Association (PNTOA) ang nagsampa na rin ng katulad na petisyon. (Angie dela Cruz)