Caloocan PNP inutil vs kriminal
September 19, 2005 | 12:00am
Kinondena ng Carmel Development Incorporated (CDI) ang kabiguan ng Caloocan PNP na mapanatili ang kaayusan sa loob ng Parangap Village, Bo. Makatipo, Brgy. 182 ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Jose Antonio Rodenas, CDI general manager, hindi mangyayari ang gulo sa nasabing village kung inaksiyunan lamang nina Caloocan Police chief, Sr. Supt. Leo Garra at Caloocan police North chief, Supt. Ramon Dominguez ang mga naunang reklamo na kanilang iniharap sa mga ito.
Nabatid kay Rodenas na makailang ulit silang sumulat sa PNP at kay Mayor Recom Echiverri upang buwagin ang sindikato sa loob ng village subalit ipinagwalang bahala lamang ito ng mga opisyal. Lumilitaw na noong Agosto nabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect si Jonjon Farro habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.
Pinagbintangan ng mga residente ang guwardiya na si Fidel Matig-a hanggang sa ito ay makulong sa city jail.
Subalit sa report ng NPD-Crime Lab, negatibo sa powder burns si Matig-a kung kayat inaasahan ang paglabas nito sa jail anumang oras mula ngayon.
Iginiit ni Rodenas na kailangan lamang nila ang regular na pagpapatrol ng mga pulis sa Parangap Village upang maiwasan ang anumang krimen. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended