Salvage victim itinapon sa kanal
September 18, 2005 | 12:00am
Isang naaagnas na bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang hubot hubad sa kanal kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ang biktima ay napag-alamang ilang araw nang patay at tinatayang nasa edad 30-35 anyos, may taas na 54 talampakan. Ito ay natagpuang nakatali ng alambre ang leeg at magkabilang kamay at may mga palatandaang pinahirapan muna bago pinatay at saka isiniksik sa hindi kalakihang open canal sa kahabaan ng Eusebio Ave., Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang makita ang nasabing bangkay ng isang residente ng nasabing lugar matapos sundan nito ang pinagmumulan ng mabahong amoy na siyang nagbigay-alam sa pulisya. Napag-alaman pa na hindi taga-roon ang biktima dahil walang nakakakilala rito.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives ng Eastern Police District na may dalawa hanggang tatlong araw nang patay ang biktima dahil sa itsura ng bangkay nito.
Dagdag pa ng pulisya, posibleng hindi sa nasabing lugar pinatay ang biktima at doon lamang itinapon para iligaw ang pagsisiyasat ng pulisya.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa agarang paghuli sa mga suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended