Payroll money natangay sa 2 engineer
September 18, 2005 | 12:00am
Mahigit sa P150,000 halaga ng payroll money ang natangay mula sa dalawang engineer makaraang harangin at holdapin ang mga ito ng tatlong armadong kalalakihan, kamakalawa ng tanghali sa Malabon City.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Armando Vero, 44, engineer/contractor at Engr. Jacinto Gabrie, ng Asian Slipway Construction Co., kapwa residente ng Tiang Cong., Brgy. Tanza, Navotas.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:15 kamakalawa nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Gen. Luna St. at A. Bonifacio Sts., Brgy. Concepcion, Malabon.
Nabatid na kagagaling lamang ng dalawang biktima sa bangko at nag-withdraw ng pampasuweldo sa kanilang mga tauhan nang biglang harangin ng mga suspect.
Pagtapat ng mga suspect sa mga biktima ay biglang naglabas ng mga hand-gun at nagdeklara ng holdap kung saan tinangay ng mga ito ang bag na naglalaman ng mahigit sa P150,000.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng malawakang paghahanap ang mga awtoridad sa mga suspect. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended