Bus salpok sa poste: 8 sugatan
September 18, 2005 | 12:00am
Walong katao ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang isang pampasaherong bus sa poste ng Meralco sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Sa ulat ni SPO1 Reynaldo Patiag ng Traffic Sector 5 ng District Traffic Enforcement Group (DTEG), kinilala ang mga nasugatan na sina Danilo Constantino, 43; conductor; Aguinaldo Ebio, 33; Antonio Sagaral, 46; Maria Winnie Sambrano, 27; Alfredo Segle, 23; Julius Mamalias, 27; Vicente Julia, 25; at Alex Torres, 30.
Lumilitaw sa imbestigasyon na dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Binabaybay ng Gasat Express, may plakang PVX-540 na may rutang Alabang-Lagro ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang bigla na lamang sumalpok ito sa poste ng Meralco.
Dahil dito, sumadsad ang mga pasahero na naging dahilan ng pagkasugat ng mga ito. Halos maputol ang paa ng biktimang si Constantino.
Nabatid na nakatulog ang driver ng bus nang maganap ang aksidente. Mabilis namang tumakas ang driver ng bus na hindi nakuha ang pangalan. Sasampahan ito ng kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended