^

Metro

Tsinoy patay sa Lasalista

-
Malaking palaisipan sa mga awtoridad ang pamamaril at pagpatay sa isang pinaniniwalaang Tsinoy ng isang estudyante ng De La Salle University sa Taft Ave., Manila kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Edman Parellas. Nakilala ito sa kanyang CEU school ID, habang kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspect na si Don Louie Manalo Llano, 22, ng #22 Mystique Rose Drive, Sunville Subd., Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng compound sa ikalawang palapag ng bahay sa #15 Data St., Brgy. Don Manuel, Galas-1.

Ayon sa pulisya, matagal nang hindi nagpupunta ang suspect sa nasabing lugar kung kaya’t nagulat sila nang makita itong kasama ang biktima kahapon ng tanghali sakay ng isang green RAV4 (WRY-482). Agad na tinungo ng biktima ang itaas ng bahay na walang nakatira. Nakarehistro ang sasakyan sa isang nagngangalang isang Rosina Ramirez, ng #302 Rizal St., Pag-asa Poblacion, Obando, Bulacan.

Ang nasabing bahay ay pag-aari ng lolo ng suspect na si Jose Manalo, volunteer administrator ng Fatima Parish.

Sinabi ni Chief Insp. Ruel Vacaro ng QC-SOCO, malinis na ang crime scene at walang nais na magsalita sa pamilya ng suspect. Mismong ang suspect ang nagbigay sa pulisya ng baril na Smith and Wesson na .38 caliber na kanyang ginamit sa pamamaslang at cellphone na nakalagay sa plastic bag.

Napag-alaman pa mula sa ilang residente roon na nakita nila ang biktima na nakalilis ang t-shirt habang nakababa ang zipper ng pantalon.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin tukoy ng pulisya ang motibo ng pamamaslang habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Ayon sa mga kapitbahay, ang suspect ay kabilang sa prominenteng pamilya sa kanilang lugar. (Doris Franche)

AYON

CHIEF INSP

DATA ST.

DE LA SALLE UNIVERSITY

DON LOUIE MANALO LLANO

DON MANUEL

DORIS FRANCHE

EDMAN PARELLAS

FATIMA PARISH

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with