Habambuhay sa ex-OFW na ‘tulak’ ng droga

Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) matapos mapatunayang guilty sa kasong pagbebenta ng shabu.

Sa apat-na-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Jaime Salazar ng Branch 103, bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din nito ang akusadong si Reynald dela Cruz ng #1 Kamias Road, QC, ng halagang P500,000 bilang multa sa nagawang kasalanan.

Sa rekord ng Korte, si dela Cruz ay nahuli sa isang entrapment operation sa Yale at Oxford Sts., Brgy. Rodriguez, Cubao, Quezon City na nagbebenta ng shabu noong Marso 30, 2003.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula rito ang 20 gramo ng shabu na ibinebenta sa isang poseur-buyer na si PO2 Jaime Ocampo nang hulihin. (Angie dela Cruz)

Show comments