Teachers, students bawal sa rali
September 16, 2005 | 12:00am
Nagpalabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd) na bawal nang sumama sa mga rally ang mga guro at estudyante ng pampubliko at pribadong paaralan lalo na sa oras ng klase.
Sa Memorandum Order na ipinalabas ni DepEd Officer-in-Charge Fe Hidalgo na ipinaabot sa mga Regional Directors, School Superintendents at mga Principal, nasasaad ang pagbabawal na sumama sa anumang rallly, anti- o pro-administration ang mga guro, pati ang mga estudyante dahil hindi umano ito nakakatulong sa pag-unlad ng kalidad ng edukasyon. Hinikayat din ni Hidalgo ang mga guro na mas bigyang importansiya ang pagtuturo at hindi pagyaya sa kanilang mga estudyante na sumama sa mga rally.
Ayon naman kay Asst. Secretary for Legal Affairs Camilio Miguel Montesa, bagamat bawal ang pagsama sa mga rally ay pinapayagan naman ng pamunuan ng edukasyon ang pagkakaroon ng diskusyon sa loob ng klase sa mga isyu sa pulitika.
Nilinaw din ni Montesa na ang nasabing memorandum order ay hindi pagsikil sa kalayaan ng pagpapahayag ng mga guro at estudyante kundi para maisaalang-alang ang kaligtasan ng mga ito.
Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay sunud-sunod na protesta ang ginawa ng mga estudyante, lalo na ng mga pribadong kolehiyo laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Samantala, umalma kahapon ang samahan ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan hinggil sa bagong direktiba ng DepEd na nagbabawal sa mga mag-aaral na makiisa sa mga protesta ng ibat ibang sektor laban sa pamahalaan.
Ayon kay Benjie Valbuena, Pangulo ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA), malaking kuwestiyon sa kanila ang naturang hakbang dahil ang aktuwal na nagaganap sa bansa ay hindi dapat isikreto sa mga mag-aaral at karapatan din ng mga ito na magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa kasalukuyang kaganapan sa bansa. (Edwin Balasa at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am