P7M ibinayad ni Regine Velasquez sa BIR
September 16, 2005 | 12:00am
Binayaran na ng singer-actress na si Regine Velasquez ang pagkakautang nito sa buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ito ang inihayag kahapon ni Estela V. Sales, assistant commissioner ng BIR Inspection Service at tagapagsalita ng kampanyang Run After Tax Evader o RATE ng nasabing ahensiya.
Ayon kay Sales, umaabot sa pitong milyong piso ang ibinayad ng singer-actress sa mismong tanggapan ng una, subalit nilinaw nito na wala itong epekto sa kasong tax evasion na kinakaharap ni Velasquez sa Department of Justice (DoJ).
Hindi umano garantiya na ang pagbabayad ni Velasquez ng naturang halaga ay nangangahulugan ng pagpapawalang sala nito sa kinakaharap na kaso sa DoJ.
Bunsod nito kayat nilinaw pa rin ni Sales na tuloy ang pagdinig sa kasong tax evasion nito.
Nabatid na ang nasabing halaga ay inihain ni Regine sa BIR bago pormal na maupo sa kanyang puwesto bilang commissioner si Mario Bunag.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended