Nakaligtas sa saksak, sa pagtalon natodas
September 15, 2005 | 12:00am
Nakaiwas nga sa pananaksak ang isang security guard ngunit kamatayan pa rin ang pinatunguhan nito nang mabagok ang ulo matapos na tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng isang gusali, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Basag ang bungo at bali ang mga braso ng biktimang si Ernesto Domingo, 50, ng 259 RBC Compound Navotas, Metro Manila.
Inaresto naman ng pulisya ang mga suspect na nagtangkang manaksak sa biktima na si Mario Martinez, 42 at Steve Bador, tubong Bacolod at residente ng Bldg. 21 Room 514 Permanent Housing, Balut, Tondo.
Pinaghahanap naman ang isa pang nakatakas na suspect na si Jessie Jordan, 18, ng naturang lugar.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa kung saan nakikipag-inuman ang biktima sa Bldg. 21 Room 511 matapos na imbitahan sa kaarawan ng isang kapwa sekyu na nakilalang si Salgado.
Nakatulog umano ang biktima dahil sa kalasingan hanggang sa gisingin ito sa tadyak ng mga suspect sa hindi malamang dahilan. Nadilatan nito na uundayan na siya ng saksak ng suspect na si Jordan kaya mabilis na kumaripas ng takbo hanggang sa ikaapat na palapag ng gusali.
Gayunman, nasukol ito ng mga suspect kung kaya para makaiwas sa saksak ay tumalon na lamang ito sa gusali.
Napasama ang bagsak nito kung saan nabagok ang ulo at nagkalasug-lasog ang katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended