Pusa suspect sa pagkasunog sa 200 kabahayan sa Malabon
September 15, 2005 | 12:00am
Pusa ang itinuturong dahilan ng pagkakasunog ng mahigit sa 200 kabahayan sa isang squatters area matapos umano na matabig nito ang isang nakasinding gasera na nagsanhi sa mahigit sa tatlong oras na sunog, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Dakong alas-12:05 nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Bernard Bernal na nasa Sitio 6, Gulayan, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.
Dahilan sa gawa lamang sa mga light materials at halos dikit-dikit ang mga bahay bukod pa sa malakas na hangin kung kaya mabilis na kumalat ang apoy na ikinadamay ng mahigit sa 200 kabahayan.
TInatayang aabot sa 600 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan kung saan aabot naman sa mahigit na P5 milyon ang napinsala sa naganap na sunog na umabot sa Task Force Bravo.
Tumagal ng mahigit tatlong oras ang apoy na ganap na naapula dakong alas-3:55 ng madaling-araw na wala namang iniulat na nasawi o nasaktan.
Ilang residente sa nasabing lugar ang nagsasabing nakarinig sila ng malakas na palahaw ng pusa bago lumagablab ang bahay ng pamilya Bernal. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended