^

Metro

Ina kinatay ng anak

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 47-anyos na anak na may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang sariling ina makaraang hindi ito bigyan ng huli ng P5 para ipambili ng sigarilyo, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Namatay noon din sanhi ng maraming saksak na tinamo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang inang si Guadalupe Parra, 68, habang sugatan din ang isa pa nitong anak na si Tiburcio Parra, 44, ng No. 4 Road 3, Manggahan St., Brgy. Tañong ng nabanggit na lungsod.

Agad namang naaresto ng rumispondeng pulisya ang suspect na si Alexander Parra na napag-alamang dating pasyente sa National Center for Mental Health.

Ayon kay PO3 Orlando Salen, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-anak.

Napag-alaman na humihingi ng P5 ang suspect sa kanyang ina para ipambili umano ng sigarilyo subalit hindi ito binigyan ng huli kung kaya nagwala at kumuha ng dalawang patalim ang una at saka sinugod ng saksak ang kanyang ina. Tinangka naman ni Tiburcio na awatin ang kuya subalit siya naman ang pinagbalingang saksakin sa braso. Susundan pa sana ng saksak ng suspect ang kapatid subalit nakatakbo na ito palabas ng bahay.

Agad namang naaresto ang suspect na nahaharap sa kasong parricide at frustrated parricide. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALEXANDER PARRA

AYON

EDWIN BALASA

GUADALUPE PARRA

MANGGAHAN ST.

MARIKINA CITY

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

ORLANDO SALEN

TIBURCIO PARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with