Bahay ni Angelika dela Cruz, binato ng stalker
September 14, 2005 | 12:00am
Nabulabog ang mga kapamilya ng artistang si Angelika dela Cruz nang pagbabatuhin ang kanilang bahay ng sinasabing "stalker" ng aktres, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Arestado naman at nahaharap sa kasong malicious mischief at alarm and scandal si Rafael Saravillo, 24, mechanical engineering graduate, tubong-Tacloban, Leyte at pansamantalang naninirahan sa Vera Ville Homes, Las Piñas City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 nang batuhin ni Saravillo ang bahay ng aktres sa Gen. P. Borromeo St., Brgy. Longos, Malabon City.
Ayon sa mga kapitbahay ng aktres, bago naganap ang insidente ay nakita nila ang suspect na kausap ang hindi nakilalang security guard ng pamilya dela Cruz.
Matapos ito ay naglakad ang suspect na lulugu-lugo at nang makakita ito ng bato ay agad na pinulot at pinagbabato ang gate at bintana ng bahay ng sikat na aktres.
Kasalukuyan namang nagpapatrulya ang mga pulis na sina PO2 Joel Ortega at PO1 Juan Caseran ng Police Community Precinct (PCP) 3 na agad na umaresto sa suspect. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended