Dead-on-the-spot ang biktimang si Norma Olaya, 73, dating Chief Development Division ng Bureau of Elementary Education, at residente ng #111 Bldg. 1 UP Bliss, Brgy. San Vicente, ng nabanggit na lungsod.
Natagpuan ang biktima dakong alas-12:45 ng tanghali sa loob ng kanyang bahay. Nakatali pa ang mga kamay at paa at may takip ang bibig ng biktima na nasa ilalim ng kama nang matagpuan. Sinakal din ang biktima na sinasabing siyang ikinamatay nito. Nabatid na walang kasama ang nasawi sa bahay kung kayat posibleng natiktikan ito ng mga suspect at saka isinagawa ang krimen. (Doris Franche)