Base sa ulat, mga minor injury lamang ang tinamo ng mga biktima.
Samantala, 41 drug dependents naman ang dinakip ng mga awtoridad makaraang samantalahin ang kaguluhan at nagsitakas. Naibalik na ang mga ito sa CUREDO Rehabilitation Center.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng gabi sa may ammunition dump na matatagpuan sa LSS Compound sa Camp Bagong Diwa sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na ang naturang ammunition dump ay naglalaman ng mga bala at ibat ibang uri ng pampasabog na pawang mga narekober na ebidensiya na inilipat lamang dito ng Firearms and Explosive Division ng Camp Crame.
Hinihinalang nagmula ang malakas na pagsabog sa nag-spark na ammonium nitrate, isang sangkap sa paggawa ng dinamita na sinasabing tinamaan umano ng kidlat.
Matapos ito ay walong sunud-sunod na pagsabog na ang naganap na nagresulta sa pagkawasak ng LSS building, CUREDO Rehabilitation Center, NCRPO Admin Building, RSAU, isang gasolinahan at ilang kabahayan na malapit sa naturang kampo.
Sa gitna ng kaguluhan dulot ng pagsabog, sinamantala naman ng mga drug dependents na magsitakas, gayunman muli silang nadakip ng mga awtoridad.