^

Metro

Dahil sa sintunadong kanta, obrero kinatay

-
Makaraang kumanta ng sintunado, isang ice plant operator ang pinagtulungang tagain at pagsasaksakin ng limang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Charlie Isidro, ng #32 Samanaka St., San Roque II, Brgy. Pag-asa ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng taga sa ulo, saksak sa braso at biyak sa mata.

Tatlo naman sa limang suspect ang nadakip at kinilala na sina Erickson Febayos, 23, estudyante; Armando Loregaay, 34; at Joseph Mabunga, 20. Nakapiit ang mga ito sa detention cell ng QCPI-CIU.

Sa imbestigasyon ni PO3 Romeo Tandas, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng kamag-anak ng biktima sa #146 Samanaka St., San Roque II.

Nag-iinuman at nagkakantahan ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan nang biglang mapadaan ang limang suspect. Nairita ang mga suspect sa pagiging sintunado ng biktima kung kaya’t binato ng una ang bahay ng huli.

Dito nagalit ang biktima at lumabas ng bahay subalit bigla itong kinuyog ng mga suspect at pinagtulungang tagain at saksakin. (Ulat ni Doris Franche)

ARMANDO LOREGAAY

CHARLIE ISIDRO

DORIS FRANCHE

ERICKSON FEBAYOS

JOSEPH MABUNGA

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

ROMEO TANDAS

SAMANAKA ST.

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with