LRT posibleng gumuho
September 12, 2005 | 12:00am
Nanganganib na gumuho ang Light Rail Transit (LRT) matapos na bumigay ang isang bahagi ng pader nito sa Bambang station sa Sta. Cruz, kahapon ng umaga.
Alas-6:45 ng umaga nang bumagsak ang dalawang metrong pader ng south bound lane sa may Bambang station patungong Baclaran. Masuwerteng walang nabagsakan ng bloke ng bato na nalaglag sa establisimyento.
Ayon sa pulisya, ang pagguho ay dulot ng nabubulok na mga bahagi ng pader na sanhi ng pagrupok nito. Nakadagdag pa sa pagguho nito ang araw-araw na "vibration" ng tren.
Dahil dito, nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamunuan ng LRTA na magsagawa ng inspeksiyon sa 12 istasyon upang agad na mabigyan ng kaukulang pagsasa-ayos at mawala ang pangamba ng publiko. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended