^

Metro

Opisyal ng MPD, 3 pa kinasuhan

-
Nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD) at tatlo pang tauhan nito matapos na ilegal na pumasok at magnakaw sa loob ng isang bahay sa umano’y isang operasyon sa Sta. Ana, Maynila.

Kinasuhan ng robbery at extortion sa GAS ang mga pulis na sina P/Insp. Oliver Lucero, PO3 Roden Tejuco, PO3 Laurencio Bernardo at PO2 Rodney See, pawang mga nakatalaga sa MPD-Station 6 (Sta. Ana).

Ayon kina Irene at Mark Reyzen Mariano, ng 2954-B F. Manalo St., Punta, Sta. Ana, pinasok umano ng mga pulis ang kanilang bahay noong Abril 18, 2005 dakong alas-3:30 ng madaling-araw at puwersahang inaresto ang kanilang ama na si Reynaldo kahit na walang ipinapakitang warrant of arrest.

Tinangay ang isang video camera, digital camera, disc man at mga alahas na aabot sa halagang P50,000.

Sinabihan pa umano ni Lucero ang kanilang tiyahin na si Aleta Reyes na tubusin ang kanilang ama sa halagang P500,000 upang makalaya ito at hindi masampahan ng kaso.

Nagtungo naman umano sila sa opisina ni Lucero at nakapagbigay lamang ng P135,000. Sa kabila nito, hindi pa rin naman pinalaya ang kanilang ama at kinasuhan ng umano’y ilegal na pagtutulak ng droga. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALETA REYES

B F

DANILO GARCIA

LAURENCIO BERNARDO

LUCERO

MANALO ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARK REYZEN MARIANO

OLIVER LUCERO

RODEN TEJUCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with