Malapit sa NAIA: Van nasunog
September 10, 2005 | 12:00am
Nataranta ang isang 21 anyos na driver matapos na masunog ang kanyang sasakyan malapit sa checkpoint area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon sa Parañaque City.
Ayon kay Patrick Santos ng Las Piñas City at driver ng van na may plakang XFN-396 patungo siya sa NAIA Centennial Airport upang sunduin ang kanyang amang si Jaime Santos na galing sa Riyadh. Nagulat na lamang siya nang biglang umusok ang kanyang sasakyan sa checkpoint area hanggang sa napilitan siyang bumaba kasama ang ilang kamag-anak. Subalit hindi pa sila nakakalayo nang sumiklab ito at tuluyang umapoy.
Agad namang rumesponde ang MIAA Fire and Rescue Division para maapula ang apoy. Inaalam pa rin kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng nasabing van. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended