^

Metro

Ex-MILF commander itinumba sa harap ng anak

-
Isang dating kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi matapos itong tambangan ng anim na armadong kalalakihan mismo sa harapan ng anak nito kamakalawa sa Taguig City.

Nasawi noon din ang biktimang si Carnaval Uzman, 48, ng Purok 5, Brgy. Upper Bicutan, ng lungsod na ito. Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kaagad namang nagsitakas ang anim na hindi pa nakikilalang suspect matapos ang ginawang pamamaril.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Saint Joseph St., Purok 5, Brgy. Upper Bicutan, ng lungsod na ito.

Nabatid na sinundo ng biktima ang anak na si Asli, 7, sa eskuwelahan nito at habang naglalakad ang mag-ama, hinarang sila ng mga suspect na pawang armado ng mga baril.

Pinagbabaril ang biktima mismo sa harapan ng anak nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa misis ng biktima na nakilalang si Rossette, bago naganap ang pagpatay sa kanyang asawa, halos isang linggo na silang nakakatanggap ng pagbabanta sa hindi kilalang mga kalalakihan.

Idinagdag pa ng ginang na ang tanging alam niya ay nagsampa ng kaso ang biktima laban sa Karayom Garment matapos itong sibakin sa trabaho.

Inaalam pa rin ng pulisya kung ang naganap na pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa dating pagiging kumander nito sa MILF.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

CARNAVAL UZMAN

KARAYOM GARMENT

LORDETH BONILLA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PUROK

SAINT JOSEPH ST.

TAGUIG CITY

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with