Dutch national, lover kinatay ng driver
September 7, 2005 | 12:00am
Pinatay muna sa saksak bago pinagnakawan ang isang umanoy bading na Dutch national kasama ang lover nitong Pinoy sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Frans Harleyman at John Aquino, ng 31 Doña Alicia St., Ina Executive Homes, Better Living, Parañaque City.
Si Harleyman ay isang teacher sa International School, samantalang si Aquino naman ay empleyado ng Globelines. Kapwa nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang dalawang biktima. Tumakas naman ang suspect na si Reynaldo Panaligan, alyas Udong at ang dalawang hindi pa kilalang kasama nito.
Sa sketchy report ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2 hanggang alas- 3 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspect ang bahay ng mga biktima.
Nabatid pa na si Udong ay nagsisilbing driver at boy ng dalawang nasawi.
Nang makapasok sa bahay ay agad na pinagsasaksak ng mga suspect ang mga biktima at saka pinagnakawan. Tinangay pa ni Udong ang sasakyang Pajero ng mga biktima.
Narekober naman ito kahapon dakong alas-6 ng umaga sa may riles ng tren sa Bicutan Exit.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang tatlong kutsilyo na ginamit ng mga suspect sa dalawang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest