Sa 10 pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Bonifacio Sanz Maceda ng Branch 275, Las Piñas City RTC, na ang hinatulan ng parusang kamatayan ay sina Bayan Abass Adil, alyas Jordan Adel; Jimmy Alunan; Alex Daliano at Omar Kamir.
Samantalang habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol sa kanilang mga kasamang sina Rowena Amol Rajed; Teng Usman; Muslimen Wahab; Ali Matoc; Rocky Mocalam; Nhokie Mohamad at Brahim Lidasan.
Pinawalang sala naman sina Saimona Camsa; Sofia Hassan at Sumulong Lawan.
Nakilala ang biktima na si Michele Ragos, 32, taga-Valenzuela City.
Base sa rekord ng korte, nabatid na kinidnap ng nabanggit na mga akusado si Ragos noong Oktubre 30, 1998 sa Valenzuela City at pinatutubos ito sa halagang P30 milyon.
Nagsumbong naman ang pamilya ni Ragos sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).
Makalipas ang isang linggo ay nadakip sa kanilang safe house sa Samantha Village sa Las Piñas City ang mga suspect at doon na-rescue ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)