Umaksiyon ang MMDA matapos tumanggap ng reklamo mula sa publiko kaugnay sa mabaho at masangsang na amoy ng basura na nalalanghap ng mga pedestrian at motorista sa lansangan.
Dahil dito, inalerto ni Traffic Operations Center (TOC) Executive Director Angelito Vergel De Dios ang mga enforcers na antabayanan at hulihin ang mga drivers ng garbage truck na lumalabas sa kanilang hurisdiksiyon at oras ng pagkakuleta ng mga basura.
Ilang private vehicle owners naman ang nagrereklamo sa umanoy pagbibigay permiso sa mga garbage truck na bumaybay sa EDSA partikular tuwing rush hours kung saan sumasabay sila sa dami ng tao dahil masama sa kalusugan ang masangsang na amoy ng basura na kanilang dala. (Lordeth Bonilla)