Agawan sa mikropono: 1 utas, 3 sugatan
September 5, 2005 | 12:00am
Dahil lamang sa agawan sa mikropono, isa ang namatay habang tatlo pa ang sugatan nang pagsasaksakin ng mga hindi pa nakikilalang suspect ang magkakainuman kahapon ng madaling araw sa loob ng isang videoke bar sa Land Transportation Office (LTO) compound sa Malate, Maynila.
Patay na ng idating sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Edelfonso Canilla, 36, kitchen helper ng Ping Yang Restaurant na nagtamo ng saksak sa leeg at dibdib.
Ginagamot naman sa nasabi ding ospital ang mga kasamahan nito na sina Pio Naputo, 40; Noel Altar, 29 at Aladin Venus, 27 pawang mga cook sa nabanggit ding restaurant.
Sa report ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang videoke bar sa LTO compound sa Ma. Guerrero St.
Nag-iinuman ang mga biktima nang mapuna ng mga ito na sinosolo na umano ng mga suspect ang mikropono. Isa sa mga biktima ang nakiusap na ipasa sa kanila ang mikropono na minasama naman ng mga suspect.
Bunga nito, nagkaroon ng batuhan ng bote na humantong sa pananaksak ng mga suspect sa biktima at saka mabilis na nagsitakas. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am