^

Metro

Jolina palabas na ng bansa

-
Kumikilos sa direksyong patungong hilagang-kanluran ng katimugang bahagi ng bansang Japan ang bagyong si Jolina.

Ito naman ang nabatid sa ipinalabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, dakong alas-11 ng umaga nang namataan ang bagyong ‘Jolina’ sa layong 1,260 kms. sa silangang-hilagang silangan ng Luzon. May dala itong lakas ng hangin na aabot sa 175 kms. bawat oras malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.

Inaasahang mararating ni Jolina ngayong umaga sa bilis na 1,060 kph ang silangang-hilagang Silangang Luzon at kikilos sa 990 kms patungong Northern Luzon ng Okinawa at katimugan naman ng Japan sa Lunes. Bagamat hindi labis na nakakaapekto sa bansa si ‘Jolina’, inaasahang palalakasin nito ang hanging habagat na siya namang nagbibigay ng ulan sa Luzon at Visayan regions. (Doris Franche)

AYON

BAGAMAT

DORIS FRANCHE

INAASAHANG

JOLINA

KUMIKILOS

LUZON

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

SILANGANG LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with