^

Metro

Ari binanlian ng ka-live-in

-
Nalapnos ang ari ng isang lalaki matapos na buhusan ng kumukulong tubig ng kanyang kinakasama habang natutulog ang una makaraan ang isang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng 3rd degree burn sa ari si Romeo Geronimo, 37, ng Manapat St., Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Kusang-loob naman sumuko at kasalukuyang nakakulong ang ka-live-in ng biktima na si Jovie Hernando, 23, ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-8 nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-live-in.

Nabatid na umuwing lasing ang biktima at tumabi ng higa sa kanyang kinakasama bago nagpahayag na gusto nitong makipagtalik.

Nang tumanggi ang suspect ay agad itong sinabihan ng mga maaanghang na salita ng biktima na naging dahilan ng isang pagtatalo hanggang sa makatulog na si Geronimo.

Dahil sa sama ng loob ng suspect ay kinuha nito ang kanilang kaserola na may laman na kumukulong tubig at agad na isinaboy sa nakatihayang biktima.

Dahil dito, nagising at nagtatarang sa sakit ang biktima at agad na humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay upang madala sa nasabing pagamutan habang kusang-loob na sumuko ang suspect sa pulisya. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

DAHIL

GERONIMO

INOOBSERBAHAN

JOVIE HERNANDO

MALABON CITY

MANAPAT ST.

ROMEO GERONIMO

ROSE TAMAYO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with