Eskuwelahan bobombahin: 4-araw walang pasok
September 3, 2005 | 12:00am
Hindi pinapasok ng pamunuan ng isang public high school sa loob ng apat na araw ang kanilang mga estudyante matapos ang sunud-sunod na pagbabanta nang pagpapasabog dito sa Mandaluyong City.
Ayon kay Evelina Barandoc, principal ng Neptali Gonzales High School na matatagpuan sa 9 de Pebrero St., Brgy. Mauway ng nabanggit na lungsod na sa utos na rin ni Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales II mula noong Martes Agosto 30 hanggang kahapon ay minabuti nilang huwag munang papasukin ang libong estudyante dahil sa sunud-sunod na banta ng isang caller na pasasabugin anumang araw ngayong linggo ang nasabing eskuwelahan.
Bukod sa pagsususpinde ng klase ay agad na inatasan ni Gonzales si Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police na galugarin ng pulisya ang lahat ng paligid ng eskuwelahan subalit wala namang nakita doong bomba sa dalawang araw na masusing pagsisiyasat.
Nabatid na unang nakatanggap ng bomb threat mula sa hindi nagpakilalang caller ang principal ng nasabing eskuwelahan at sinundan pa kinabukasan.
Sinabi naman ni Velasquez na walang dapat ikabahala ang mga magulang at estudyante ng nasabing eskuwelahan dahil bibigyan nila ng seguridad ang buong paligid ng paaralan 24-oras.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended