Ex-SAF dedo sa shootout
September 1, 2005 | 12:00am
Patay ang isang dating tauhan ng Special Action Force (SAF) na pinaniniwalaang miyembro din ng robbery holdup gang matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police, kamakalawa sa Quezon City.
Namatay noon din ang suspect na si Joseph Gomba, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City habang mabilis namang nakatakas ang dalawa pang kasamahan nito na sinasabing nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa overpass ng Philcoa, Brgy. Old Capitol Site, Quezon City.
Nabatid sa ulat na nagsasagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa umanoy malawakang operasyon ng holdap gang sa lugar.
Papalapit pa lang ang mga pulis nang paulanan ng putok ng baril ng mga suspect na noon ay nag-aabang ng bago nilang biktima.
Napilitan namang gumanti ang mga awtoridad kung saan tinamaan at napatay si Gomba.
Nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan na sugatan din sa naganap na shootout.
Nabatid na ang grupo ni Gomba ay pinaniniwalaang responsable sa sunud-sunod na holdap sa paligid ng overpass ng Philcoa. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended