Serial killer arestado
August 31, 2005 | 12:00am
Nagtapos ang paghahasik ng lagim ng isang umanoy serial killer sa palaruan ng mga batang Maynila matapos na madakip ito habang naghihintay ng panibagong biktima, sa Malate, ng naturang lungsod.
Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ang suspect na si Wilfredo Quindara, alyas Totoy.
Nabatid na naaresto ang suspect sa aktong nanghoholdap ng isang hindi nakilalang biktima sa loob ng Paraiso ng Batang Maynila, isang palaruan ng mga bata sa Malate.
Lumalabas sa rekord ng Manila Police District-Station 9, umaabot na sa apat na katao ang napapatay ng suspect sa kanyang panghoholdap sa naturang pasyalan.
Pinakahuling biktima nito si Rodrigo Auyas na sinaksak nito nang maraming beses matapos na tumangging ibigay ang kanyang mga gamit noong Oktubre 30, 2004.
Nakatanggap naman ng impormasyon ang pulisya na muling nagbalik sa Paraiso ng Batang Maynila ang suspect buhat sa isang saksi at naghihintay na naman ng mabibiktima.
Dito na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis kung saan nadakip si Quindara sa aktong nanghoholdap. Nailigtas din ng pulisya ang biktima nito sa posibleng kamatayan at maging ika-5 biktimang mapapatay nito.
Nakadetine ngayon sa MPD-Station 9 detention cell si Quindara at nahaharap sa patung-patong na kasong robbery with homicide. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended