^

Metro

GMA may ‘go signal’ na sa bike lane project

-
Bilang tugon sa panawagan na energy conservation, nagbigay ng ‘go signal’ si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang simulan na ng MMDA ang bike lane project sa Metro Manila.

Pangungunahan ni Pangulong Arroyo ang launching ng "Metro Padyakan" sa darating na Sabado (Setyembre 3) sa mga pilot areas katulad ng Xavierville at Katipunan Avenue patungong Edsa, Quezon City.

Puspusan ang paggawa sa mga bike routes para sa conversion ng isa hanggang dalawang linya na ‘pink bike lanes’ ng mga itinalagang traffic engineers at construction men ni MMDA Chairman Bayani Fernando.

Layon ng "Metro Padyakan" na mabigyan ng proteksyon at madadaanan ang mga bicycle users sa Metropolis partikular ang mga beginners.

Tiniyak ni Fernando na sa panahon ng krisis sa enerhiya, ang paggamit ng bisikleta ay isa sa pinakamurang paraan ng transportasyon bukod pa sa napakagandang dulot na ehersisyo sa katawan at kalusugan.

Nirerepaso pa ng ilang traffic engineers ang ilang secondary routes sa Quezon City na maaaring lusutan at short-cut na daraanan ng bisikleta.

Samantala, ilan sa mga identified locations ng pedal way sa Quezon City ang Kamuning flyovers, EDSA corner Lane 1, NIA Road, Median Island sa kahabaan ng Agham Road, BIR Road, Panay Avenue, Bohol Avenue sa kanto ng Scout Borromeo, Timog Avenue at Scout Reyes, Scout Castor, Scout Ybardolaza, Scout Medrinian, Scout Esquerra, Scout Magbanua at Mother Ignacia. (Lordeth Bonilla)

AGHAM ROAD

BOHOL AVENUE

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

KATIPUNAN AVENUE

LORDETH BONILLA

MEDIAN ISLAND

METRO MANILA

METRO PADYAKAN

MOTHER IGNACIA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with