Acetylene gang sumalakay: P3-M alahas natangay
August 30, 2005 | 12:00am
Umaabot sa P3 milyong halaga ng mga alahas ang natangay ng mga miyembro ng Acetylene Gang na nanloob sa isang pawnshop at butasin ang vault nito sa Quezon City, kamakalawa.
Ayon sa pulisya, dakong alas-8 kahapon ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng Emmanuel Pawnshop na pagmamay-ari ni Angelito Gutierrez sa San Mateo Road, Batasan na bukas ang vault na kinalalagyan ng mga alahas.
Sinabi pa ng pulisya na isang grupo ng mga kalalakihan ang umupa sa Patricio Dental Clinic na nasa tabi ng pawnshop noong nakalipas na Agosto 21 at kamakalawa ng gabi tuluyang naisagawa ang pagnanakaw.
Nabatid pa na pinagplanuhang mabuti ang panloloob sa pawnshop kung saan inirekord pa ng mga suspect ang kanilang operasyon.
Ayon pa sa ulat na naghukay ang mga suspect hanggang sa makapasok sa katabing pawnshop at nang makapasok at ginamitan ng acetylene ang vault na doon nakuha ang milyong halaga ng mga alahas.
Nasamsam sa lugar ang dalawang kurtina, acetylene tank, dalawang barena de kabra, pala at tangke ng gasul.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended