Pulis timbog, 3 pa tugis
August 29, 2005 | 12:00am
Naaresto na ng National Capital Region Police Office ang isa sa umanoy apat na mga pulis na nangholdap at nakatangay ng P.4 milyon sa vice president ng pabrika ng candy na pinagbabaril at malubhang nasugatan noong Biyernes ng tanghali sa Pasig City.
Ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol, isa sa mga suspect ay pulis na nakadestino sa Eastern Police District (EPD). Hindi muna nito ibinunyag ang pangalan upang hindi makaapekto sa pag-aresto ng iba pa na napag-alaman ding mga kagawad ng pulisya.
Dagdag pa ni Querol na nakuha ng mga suspect ang halagang P400,000 sa kotse ng biktimang si Fernando Sy, 59, Vice President ng Candy Maker na matatagpuan sa Brixton st. Brgy. Kapitolyo ng nasabi ding lungsod.
Matatandaang hinarang ng apat na mga suspect na sakay ng dalawang motorsiklo ang Toyota Camry ni Sy sa gate ng nasabing pabrika ng kendi noong Biyernes ng tanghali at nagpahayag ng holdap.
Nanlaban umano si Sy kaya pinagbabaril ito ng mga suspect at tinamaan ito sa magkabilang hita at kaliwang bahagi ng katawan at pagkatapos ay agad na kinuha ang nasabing halaga ng pera bago mabilis na tumakas.
Mabilis namang naisugod si Sy ng mga trabahador ng nasabing pabrika sa Medical City kung saan kasalukuyan itong inoobserbahan.
Ayon pa kay Querol, ang naarestong pulis ay dalawang linggo pa lang sa EPD Annex matapos itong patalsikin sa Pasig City Police Headquarters dahil sa ginawang kalokohan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended