Promosyon ng 193 pulis, inaprubahan

Matapos na maalarma sa bantang pag-aaklas ng 172 police colonel, inaprubahan na ng National Police Commission ang promosyon ng 193 para sa ranggong senior superintendent o full pledge colonel na lalagdaan naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang Commission En Banc, isang NAPOLCOM Resolution No. 2005-261 at 2005-265 ang pinirmahan nina Chairman Angelo Reyes; Vice Chairman Imelda Roces at apat pang commissioner kung saan 193 police colonel ang naitaas ang ranggo sa senior superintendent bunsod na rin sa rekomendasyon ng nasabing ahensiya.

Ang mga mapo-promote ay nakapasa sa requirement ng NAPOLCOM tulad ng psychiatric at drug test. (Lordeth Bonilla)

Show comments