Batay sa memorandum na ipinalabas ni Reyes, hindi umano maaaring ipagwalang bahala ang kaso ng dengue maging ito ay kumpirmado o hindi.
Lumilitaw sa record ng Department of Health, umaabot sa 10,977 kaso ang naitala mula Enero hanggang Hulyo kumpara sa naitala noong nakaraang taon na umaabot sa 10,117 kung saan 143 ang sinasabing namatay.
Ayon kay Reyes, dapat na pagtuunan ng pansin ng mga gobernador at mga alkalde ang insidente upang maiwasan na madagdagan pa ang dengue cases sa bansa.
Pinaglalaan din ni Reyes ang mga local official ng Epidemiology Surveillance Unit upang ma-monitor kung positibo sa dengue ang isang tao. (Doris Franche)