^

Metro

VP ng factory ng kendi, kritikal sa ambush

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang vice president ng pagawaan ng kendi nang tambangan ng apat na kalalakihan kamakalawa sa Pasig City.

Inoobserbahan sa Medical City si Fernando Sy, 59, ng Candy Maker matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang mga suspect na sakay ng dalawang motorsiklo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali sa harap ng opisina ng biktima sa Brixton St. Brgy. Ugong, Pasig City.

Kapaparada pa lamang ng biktima ng kanyang Toyota Camry na may plakang CAD-198 nang biglang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ang una.

Hindi na nagawa pang lapitan ng mga suspect ang biktima dahil mabilis ang pagdating ng mga residente sa lugar.

Ayon sa pulisya, holdap at pagpatay ang posibleng motibo ng mga suspect.

Samantala, sugatan din ang isang Indian national matapos na manlaban sa dalawang kalalakihan na tumangay ng kanyang motorsiklo sa Taguig City.

Ginagamot naman ngayon sa Makati Medical Center ang biktimang si Sonu Singh na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas- 11:45 ng tanghali sa Blk. 12 Lot 13 EP Village, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Naningil lamang ang biktima nang makita nitong tinatangay ng dalawang suspect ang kanyang motor. Nanlaban ang biktima subalit pinagbabaril naman ito ng mga suspect. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

BRIXTON ST. BRGY

CANDY MAKER

EDWIN BALASA

FERNANDO SY

LORDETH BONILLA

MAKATI MEDICAL CENTER

MEDICAL CITY

PASIG CITY

SONU SINGH

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with