Ayon kay TMG-NCR chief Supt. Lorenzo Holanday, dakong alas-7 ng gabi nang maglagay ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa Tomas Morato Ave. at masita ang bagong biling sasakyan ni Vandolph.
Wala rin umanong lisensiya ang aktor nang sitahin ng mga awtoridad. Dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw nang i-release ng TMG ang sasakyan ni Vandolph.
Kasabay nito, dalawang Ford Expedition naman na pagmamay-ari ng gambling lord na si Rodolfo "Bong" Pineda ang nasita ng mga awtoridad dakong alas-11:45 ng gabi dahil sa paggamit nito ng blinker o sirena na paglabag sa PD 95.
Subalit ayon kay Holanday, ni-release rin nila ang dalawang Ford Expedition na may mga plakang XKW-204 at WFV-995 na minamaneho naman nina Ronaldo Bunalado at Romeo Trinidad na kapwa residente ng Balaong, San Miguel, Bulacan.
Nakuha sa mga sasakyan ang anim na baril na kinabibilangan ng dalawang M-16 rifle at apat na short firearm na pawang may mga kaukulang permit na "to carry outside residence" na nakapangalan kay Pineda ng Concepcion, Lubao, Pampanga.
Hindi naman masabi ni Holanday kung sasampahan nila ng kaso sina Vandolph at Pineda.
Sinabi ni Holanday na mahigpit nilang ipinatutupad ang polisiya upang maiwasan ang insidente ng kidnapping at carnapping sa buong bansa batay na rin sa kautusan ni DILG Secretary Angelo Reyes.