^

Metro

‘Spiderman’ lumikha ng kaguluhan

-
Lumikha ng malaking kaguluhan ang ginawang pag-akyat sa isang konkretong poste ng isang lalaki na umano’y may kapansanan sa pag-iisip matapos na halos tatlong oras nitong pagbitin-bitin sa mga kable sa itaas na mistulang si ‘Spiderman’, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nailigtas naman ng mga miyembro ng Manila Fire Department at tauhan ng Meralco ang naturang lalaki na si Joselito Ramos, nasa pagitan ng edad na 30-35 at tubong Bulacan.

Nabatid na nag-umpisang umakyat si Ramos sa poste sa may Recto Avenue, Sta. Cruz dakong alas-9:30 ng umaga at nagsisisigaw.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog maging ang rescue team ng Meralco at pinilit na pababain si Ramos. Inumangan pa ng hagdan ang poste at inakyat ito ngunit tinatawanan lamang ang mga kumakausap na rescuer.

Nagpalipat-lipat rin ito sa dalawang poste na may 10 metro ang layo sa pamamagitan ng paglambitin sa mga kable. Pinatay naman ng Meralco ang koneksyon ng kuryente para hindi maging banta sa buhay ni Ramos.

Nagawa naman na maitulak ng mga rescuer si Ramos pababa at nasalo ng basket trap unit ng Meralco. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BULACAN

CRUZ

DANILO GARCIA

INUMANGAN

JOSELITO RAMOS

LUMIKHA

MANILA FIRE DEPARTMENT

MERALCO

RAMOS

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with